Jeremias 8:5
Bakit nga ang bayang ito na Jerusalem ay tumatalikod ng walang hanggang pagtalikod? sila'y nagsisihawak na mahigpit ng karayaan, sila'y nagsisitangging bumalik.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 1:20Nguni't kung kayo'y magsitanggi at manganghimagsik, kayo'y lilipulin ng tabak: sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon.
Isaiah 44:20Siya'y kumain ng abo: iniligaw siya ng nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay?
Jeremiah 3:5Kaniya bagang iingatan ang kaniyang galit magpakailan man? kaniya bagang iingatan hanggang sa kawakasan? Narito, ikaw ay nagsalita at gumawa ng mga masamang bagay, at sinunod mo ang iyong ibig.
Jeremiah 5:3Oh Panginoon, hindi baga tumitingin ang iyong mga mata sa katotohanan? iyong hinampas sila, nguni't hindi sila nangagdamdam; iyong pinugnaw sila, nguni't sila'y nagsitangging tumanggap ng sawa'y; kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato; sila'y nagsitangging manumbalik.
Jeremiah 6:17At ako'y naglagay ng mga bantay sa inyo, na aking sinasabi, Inyong pakinggan ang tunog ng pakakak, nguni't kanilang sinabi, Hindi kami makikinig.
Jeremiah 7:24Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi nagsilakad sa kanilang sariling mga payo at sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso, at nagsiyaong paurong at hindi pasulong.