Jeremias 8:7
Oo, nalalaman ng ciguena sa himpapawid ang kaniyang mga takdang kapanahunan; at ang bato bato at ang langaylangayan at ang tagak ay nangagmamalas ng panahon ng pagdating ng mga yaon; nguni't hindi nalalaman ng aking bayan ang alituntunin ng Panginoon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Proverbs 6:6Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:
Isaiah 1:3Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon, at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon: nguni't ang Israel ay hindi nakakakilala, ang bayan ko ay hindi gumugunita.
Jeremiah 4:22Sapagka't ang bayan ko ay hangal, hindi nila ako nakikilala; sila'y mga mangmang na anak, at sila'y walang unawa; sila'y pantas sa paggawa ng masama, nguni't sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman.
Jeremiah 5:5Ako'y paroroon sa mga dakilang tao, at magsasalita sa kanila; sapagka't kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon, at ang kahatulan ng kanilang Dios. Nguni't ang mga ito ay nagkaiisang magalis ng pamatok, at lumagot ng mga panali.
Habakkuk 1:4Kaya't ang kautusan ay natitigil, at ang katarungan ay hindi lumalabas kailan man; sapagka't kinukulong ng masama ang matuwid; kaya't ang kahatulan ay lumalabas na liko.