Jeremias 9:7
Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking lilituhin sila, at susubukin sila; sapagka't ano pa ang aking magagawa, dahil sa anak na babae ng aking bayan?
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 36:15At ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, nagsugo sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga sugo, na bumangong maaga at nagsugo, sapagka't siya'y nagdalang habag sa kaniyang bayan, at sa kaniyang tahanang dako:
Psalms 62:5Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang; sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
Isaiah 1:25At aking ibabalik ang aking kamay sa iyo, at aking lilinising lubos ang naging dumi mo, at aalisin ko ang iyong lahat na tingga:
Isaiah 59:3Sapagka't ang inyong mga kamay ay nadumhan ng dugo, at ang inyong mga daliri ng kasamaan; ang inyong mga labi ay nangagsalita ng mga kasinungalingan, ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan.
Jeremiah 6:27Iginawa kita ng isang moog at ng kuta sa gitna ng aking bayan: upang iyong maalaman at masubok ang kanilang lakad.
Jeremiah 31:20Ang Ephraim baga'y aking minamahal na anak? siya baga'y iniibig na anak? sapagka't kung gaano kadalas nagsasalita ako laban sa kaniya, ay gayon ko inaalaala siya ng di kawasa: kaya't nananabik ang aking puso sa kaniya; ako'y tunay na maaawa sa kaniya, sabi ng Panginoon.