Job 14:7
Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
8Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang puno niyao'y mamatay sa lupa;
Cross References
Job 19:10Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw: at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy.
Isaiah 11:1At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga:
Daniel 4:12Ang mga dahon niyao'y magaganda, at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; ang mga hayop sa parang ay may lihim sa ilalim niyaon, at ang mga ibon sa himpapawid ay nagsisitahan sa mga sanga niyaon, at ang lahat na laman ay nangabubusog doon.
Daniel 4:23At yamang nakita ng hari ang isang bantay at isang banal na bumababa mula sa langit, at nagsasabi, Ibuwal ninyo ang punong kahoy, at inyong lipulin; gayon ma'y itira ninyo ang tuod ng mga ugat niyaon sa lupa na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang, at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa parang, hanggang sa mangyari sa kaniya na makapito;