Job 22:9
Iyong pinayaong walang dala ang mga babaing bao, at ang mga kamay ng ulila ay nangabali.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
Thou hast sent widows away empty, and the arms of the fatherless have been broken.
In Context
10Kaya't ang mga silo ay nangasa palibot mo, at biglang takot ay bumabagabag sa iyo,
Cross References
Deuteronomy 27:19Sumpain yaong magliko ng matuwid ng taga ibang bayan, ng ulila at ng babaing bao. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.
Job 24:21Kaniyang sinasakmal ang baog na hindi nanganganak; at hindi gumagawa ng mabuti sa babaing bao.
Job 31:16Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa, o pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao:
Psalms 10:15Baliin mo ang bisig ng masama: at tungkol sa masamang tao, pag-usigin mo ang kaniyang kasamaan hanggang sa wala ka nang masumpungan.
Psalms 94:6Kanilang pinapatay ang bao at ang taga ibang lupa, at pinapatay ang ulila.
Isaiah 1:23Ang iyong mga pangulo ay mapanghimagsik, at mga kasama ng mga tulisan; bawa't isa'y umiibig ng mga suhol, at naghahangad ng mga kabayaran: hindi nila hinahatulan ang ulila, o pinararating man sa kanila ang usap ng babaing bao.