Job 9:7
Na siyang naguutos sa araw, at hindi sumisikat; at nagtatakda sa mga bituin.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
Which commandeth the sun, and it riseth not; and sealeth up the stars.
In Context
6Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, at ang mga haligi nito ay nangayayanig.
8Na nagiisang inuunat ang langit, at tumutungtong sa mga alon ng dagat.
Cross References
Joshua 10:12Nang magkagayo'y nagsalita si Josue sa Panginoon nang araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel; at kaniyang sinabi sa paningin ng Israel, Araw, tumigil ka sa Gabaon; At ikaw, Buwan, sa libis ng Ajalon.
Job 37:7Tinatatakan niya ang kamay ng bawa't tao: upang maalaman ng lahat ng mga tao na kaniyang nilalang.
Job 38:19Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag, at tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon;
Ezekiel 32:7At pagka ikaw ay aking nautas, aking tatakpan ang langit, at padidilimin ko ang mga bituin niyaon; aking tatakpan ng alapaap ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag.
Amos 4:13Sapagka't, narito, siyang nagaanyo ng mga bundok, at lumilikha ng hangin, at nagpapahayag sa tao kung ano ang kaniyang pagiisip; na nagpapadilim ng umaga, at yumayapak sa mga mataas na dako ng lupa, ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo ay siya niyang pangalan.
Matthew 24:29Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: