Joel 1:14
Mangaghayag kayo ng ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan, inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios, at magsidaing kayo sa Panginoon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 29:10Kayo'y tumatayong lahat sa araw na ito, sa harap ng Panginoon ninyong Dios; ang inyong mga pangulo, ang inyong mga lipi, ang inyong mga matanda, at ang inyong mga puno, sa makatuwid baga'y lahat ng mga lalake sa Israel,
2 Chronicles 20:13At ang buong Juda ay tumayo sa harap ng Panginoon, pati ang kanilang mga bata, ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak.
Nehemiah 9:2At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan, at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang.
Jeremiah 36:9Nangyari nga nang ikalimang taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda nang ikasiyam na buwan, na ang buong bayan sa Jerusalem, at ang buong bayan na nanggaling sa mga bayan ng Juda sa Jerusalem, ay nagtanyag ng ayuno sa harap ng Panginoon.
Jonah 3:8Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa't isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay.