The Bible Software
bible.software › Joel › Joel 2 › Joel 2:3

Joel 2:3

Isang apoy ang sumusupok sa harap nila; at sa likuran nila'y isang liyab ang sumusunog: ang lupain ay parang halamanan sa Eden sa harap nila, at sa likuran nila'y isang sirang ilang; oo, at walang nakatanan sa kanila.

Philippine Bible Society (1905)

In The King James Version

A fire devoureth before them; and behind them a flame burneth: the land is as the garden of Eden before them, and behind them a desolate wilderness; yea, and nothing shall escape them.

In Context

2Araw ng kadiliman at ng pagkukulimlim, araw ng mga ulap at ng pagsasalimuot ng dilim, gaya ng liwayway na namumukadkad sa mga bundok; isang malaking bayan at matibay; hindi nagkaroon kailan man ng gaya niyaon, ni magkakaroon pa man pagkatapos ng mga yaon, hanggang sa mga taon ng maraming sali't saling lahi.

4Ang anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo; at kung paano ang mga mangangabayo, gayon sila nagsisitakbo.

Read all of Joel 2

Cross References

Genesis 2:8At naglagay ang Panginoong Dios ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silanganan: at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang.

Exodus 10:5At kanilang tatakpan ang ibabaw ng lupa, na walang makakakita ng ibabaw ng lupa: at kanilang kakanin ang naiwan sa nangaligtas, na itinira sa inyo ng granizo, at kanilang kakanin ang bawa't kahoy na itinutubo sa inyo ng parang:

Psalms 50:3Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.

Isaiah 33:4At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod: kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao.

Jeremiah 5:17At kakanin nila ang iyong ani, at ang iyong tinapay, na dapat sanang kanin ng iyong mga anak na lalake at babae; kanilang kakanin ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan; kanilang kakanin ang iyong mga puno ng ubas at ang iyong mga puno ng igos; kanilang ibabagsak ang iyong mga bayan na nababakuran, na iyong tinitiwalaan, sa pamamagitan ng tabak.

Joel 1:4Ang iniwan ng tipaklong, ay kinain ng balang; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Portuguesa MundialLuther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)新标点和合本성경 (한국어)الكتاب المقدس باللغة العربية، فان دايكBibbia Diodati (Italiano)Kinh Thánh (Tiếng Việt)Biblia Cornilescu (Română)Polish Biblia Gdanska (1881)Statenvertaling (Nederlands)

Study Joel 2:3

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Joel 2:2Joel 2Joel 2:4 →