Joel 3:13
Gamitin ninyo ang karit; sapagka't ang aanihin ay hinog na: kayo'y magsiparito, at magsiyapak; sapagka't ang alilisan ng alak ay puno, ang kamalig ng alak ay inaapawan; sapagka't ang kanilang kasamaan ay malaki.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 13:13Ang mga tao nga sa Sodoma ay masasama at mga makasalanan sa harap ng Panginoon.
Genesis 18:20At sinabi ng Panginoon, Sapagka't ang sigaw ng Sodoma at Gomorra ay malakas, at sapagka't ang kasalanan nila ay napakalubha;
Isaiah 63:3Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buhay ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.
Lamentations 1:15Iniuwi ng Panginoon sa wala ang lahat na aking mga makapangyarihang lalake sa gitna ko; siya'y tumawag ng isang takdang kapulungan laban sa akin upang pagwaraywarayin ang aking mga binata: niyapakan ng Panginoon na parang pisaan ng ubas ang anak na dalaga ng Juda.
Matthew 13:39At ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diablo: at ang pagaani ay ang katapusan ng sanglibutan; at ang mga mangaani ay ang mga anghel.
Revelation 14:15At lumabas ang ibang anghel sa templo, na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap, Ihulog mo ang iyong panggapas, at gumapas ka; sapagka't dumating ang oras ng paggapas, sapagka't ang aanihin sa lupa ay hinog na.