Joel 3:2
Aking pipisanin ang lahat na bansa, at aking ibababa sila sa libis ni Josaphat; at ako'y makikipagtanggol sa kanila roon dahil sa aking bayan at dahil sa aking manang Israel, na kanilang pinangalat sa mga bansa, at binahagi ang aking lupain,
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 20:26At nang ikaapat na araw, sila'y nagpupulong sa libis ng Baracah; sapagka't doo'y kanilang pinuri ang Panginoon: kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Libis ng Baracah, hanggang sa araw na ito.
Jeremiah 12:14Ganito ang sabi ng Panginoon laban sa lahat na masama kong kapuwa, na nagsisigalaw ng mana sa aking bayang Israel, Narito, akin silang bubunutin sa kanilang lupain, at aking bubunutin ang sangbahayan ni Juda sa gitna nila.
Jeremiah 49:1Tungkol sa mga anak ni Ammon. Ganito ang sabi ng Panginoon. Wala bagang mga anak ang Israel? wala ba siyang tagapagmana? bakit nga minamana ni Malcam ang Gad, at tumatahan ang kaniyang bayan sa mga bayan niyaon?
Ezekiel 35:10Sapagka't iyong sinabi, Ang dalawang bansang ito, at ang dalawang lupaing ito ay magiging akin, at aming aariin; bagaman kinaroroonan ng Panginoon:
Ezekiel 38:22At ako'y makikipaglaban sa kaniya sa pamamagitan ng salot at ng dugo; at pauulanan ko siya, at ang kaniyang mga pulutong, at ang maraming bayan na kasama niya, ng napakalakas na ulan, at ng mga malaking granizo, ng apoy, at ng azufre.
Joel 3:12Magpakasigla ang mga bansa, at magsisampa sa libis ni Josaphat; sapagka't doo'y uupo ako upang hatulan ang lahat na bansa sa palibot.