Juan 1:29
Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
28Ang mga bagay na ito'y ginawa sa Betania, sa dako pa roon ng Jordan, na pinagbabautismuhan ni Juan.
Cross References
Exodus 12:3Salitain ninyo sa buong kapisanan ng Israel na inyong sabihin: Sa ikasangpung araw ng buwang ito ay magsisikuha sila sa ganang kanila, bawa't lalake, ng isang kordero, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, isang kordero sa bawa't sangbahayan:
Leviticus 10:17Bakit hindi ninyo kinain ang handog dahil sa kasalanan sa dakong santuario, yamang kabanalbanalang bagay at sa inyo'y ibinigay upang dalhin ang kasamaan ng kapisanan na itubos sa kanila sa harap ng Panginoon?
Numbers 7:39Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
Numbers 18:23Nguni't gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan; at kanilang tataglayin ang kanilang kasamaan: ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi, at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.
Numbers 28:3At iyong sasabihin sa kanila, Ito ang handog na pinaraan sa apoy na inyong ihahandog sa Panginoon; mga korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, dalawa araw-araw, na pinakapalaging handog na susunugin.
Isaiah 53:11Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.