Juan 15:1
Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
I am the true vine, and my Father is the husbandman.
In Context
Cross References
Genesis 49:10Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa, Hanggang sa ang Shiloh ay dumating; At sa kaniya tatalima ang mga bansa.
Song of Solomon 7:12Sampahin nating maaga ang mga ubasan: tingnan natin kung ang puno ng ubas ay nagbubuko, at kung ang kaniyang mga bulaklak ay nagsisibuka, at kung ang mga granada ay namumulaklak: doo'y idudulot ko sa iyo ang aking pagsinta.
Isaiah 4:2Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati ang sanga ng Panginoon, at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan.
Isaiah 27:2Sa araw na yaon: Awitin ninyo sa kaniya ang tungkol sa isang ubasang pinagkunan ng alak.
Isaiah 61:3Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.
Jeremiah 12:10Sinira ng maraming pastor ang aking ubasan, kanilang niyapakan ng paa ang aking bahagi, kanilang ginawa ang aking mahalagang bahagi na ilang na sira.