Juan 7:42
Hindi baga sinabi ng kasulatan na ang Cristo ay manggagaling sa lahi ni David, at mula sa Bet-lehem, ang nayong kinaroonan ni David?
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
43Kaya nangyaring nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa karamihan dahil sa kaniya.
Cross References
1 Samuel 16:1At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Hanggang kailan pananangisan mo si Saul yamang aking itinakuwil siya na maging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay, at ikaw ay yumaon, susuguin kita kay Isai na Bethlehemita: sapagka't ako'y naglaan sa kaniyang mga anak ng isang hari.
1 Samuel 16:11At sinabi ni Samuel kay Isai, Narito ba ang iyong lahat na anak? At kaniyang sinabi, Natitira pa ang bunso, at, narito, siya'y nag-aalaga sa mga tupa. At sinabi ni Samuel kay Isai, Ipasundo mo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito.
1 Samuel 17:58At sinabi ni Saul sa kaniya, Kaninong anak ka, binata? At sumagot si David, Ako'y anak ng iyong lingkod na si Isai na Bethlehemita.
Psalms 89:4Ang binhi mo'y itatatag ko magpakailan man, at aking itatayo ang luklukan mo sa lahat ng sali't saling lahi. (Selah)
Isaiah 11:1At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga:
Micah 5:2Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.