Juan 8:26
Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya'y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
27Hindi nila napagunawa na tungkol sa Ama ang kaniyang sinasalita sa kanila.
Cross References
John 5:42Datapuwa't nakikilala ko kayo, na kayo'y walang pagibig ng Dios sa inyong sarili.
John 7:28Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin ay tunay, na hindi ninyo nakikilala.
John 8:40Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.
John 12:47At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan.
John 16:12Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.
2 Corinthians 1:18Nguni't palibhasa'y ang Dios ay tapat, ang aming salita sa inyo ay di oo at hindi.