Juan 8:32
At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
And ye shall know the truth, and the truth shall make you free.
In Context
Cross References
Psalms 25:5Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw.
Psalms 119:45At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
Proverbs 1:29Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon.
Proverbs 4:18Nguni't ang landas ng matuwid ay parang maliyab na liwanag, na sumisilang ng higit at higit sa sakdal na araw.
Isaiah 2:3At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.
Isaiah 35:8At magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan, at tatawagin Ang daan ng kabanalan; ang marumi ay hindi daraan doon; kundi magiging sa kaniyang bayan: ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang, ay hindi mangaliligaw roon.