Jonas 1:12
At sinabi niya sa kanila, Ako'y inyong buhatin, at ihagis ninyo ako sa dagat; sa gayo'y ang dagat ay tatahimik sa inyo: sapagka't talastas ko na dahil sa akin dumating ang malaking unos na ito sa inyo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 7:12Kaya't ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng kanilang mga kaaway; sila'y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway, sapagka't sila'y naging sinumpa: ako'y hindi na sasa inyo pa, maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.
2 Samuel 24:17At nagsalita si David sa Panginoon, nang kaniyang makita ang anghel na sumakit sa bayan, at nagsabi, Narito, ako'y nagkasala, at ako'y gumawa ng kalikuan; nguni't ang mga tupang ito, ano ang ginawa? isinasamo ko sa iyo na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sangbahayan ng aking ama.
Job 35:8Ang iyong kasamaan ay makapagpapahamak sa isang lalaking gaya mo; at ang iyong katuwiran ay makapagpapakinabang sa anak ng tao.
John 11:50Ni inyong niwawari na sa inyo'y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan, at hindi ang buong bansa ay mapahamak.