Joshua 10:39
At kaniyang sinakop at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon; at kanilang sinugatan ng talim ng tabak at lubos na nilipol ang lahat na tao na nandoon: wala siyang iniwang nalabi: kung paano ang kaniyang ginawa sa Hebron, ay gayon ang kaniyang ginawa sa Debir, at sa hari niyaon; gaya ng kaniyang ginawa sa Libna at sa hari niyaon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
38At si Josue at ang buong Israel na kasama niya ay bumalik sa Debir; at nakipaglaban doon:
Cross References
Deuteronomy 3:3Gayon din ibinigay ng Panginoon nating Dios sa ating kamay si Og, na hari sa Basan, at ang buong bayan niya; at ating sinaktan siya hanggang sa walang natira sa kaniya.
Joshua 10:37At kanilang sinakop, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon, at ang lahat ng mga bayan niyaon, at ang lahat na tao na nandoon; wala siyang iniwang nalabi, ayon sa lahat niyang ginawa sa Eglon; kundi kaniyang lubos na nilipol, at ang lahat na tao na nandoon.
Joshua 11:8At ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Israel, at sinaktan nila, at hinabol nila sila hanggang sa malaking Sidon, at hanggang sa Misrephoth-maim, at hanggang sa libis ng Mizpa, sa dakong silanganan; at sinaktan nila sila hanggang sa wala silang iniwan sa kanila nalabi.
1 Samuel 15:3Ngayo'y yumaon ka at saktan mo ang Amalec, at iyong lubos na lipulin ang buo nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila; kundi patayin mo ang lalake at babae, sanggol at sumususo, baka at tupa, kamelyo at asno.
2 Kings 10:11Sa gayo'y sinaktan ni Jehu ang lahat na nalabi sa sangbahayan ni Achab sa Jezreel, at ang lahat niyang dakilang tao, at ang kaniyang mga kasamasamang kaibigan, at ang kaniyang mga saserdote, hanggang sa wala siyang inilabi.