Joshua 13:3
Mula sa Sihor na nasa tapat ng Egipto, hanggang sa hangganan ng Accaron na dakong hilagaan, na nabilang sa mga Cananeo: ang limang pangulo ng mga Filisteo, ang mga Gazeo, ang mga Asdodeo, ang mga Ascaloneo, ang mga Getheo, ang mga Accaronneo; gayon din ang mga Heveo,
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
2Ito ang lupain na nalalabi pa: ang lahat na lupain ng mga Filisteo, at ang lahat na Gessureo:
Cross References
Genesis 10:15At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth.
Numbers 34:2Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain ng Canaan, (na ito ang lupaing mahuhulog sa inyo na pinakamana, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan niyaon),
Joshua 13:13Gayon ma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Gessureo, ni ang mga Maachateo; kundi ang Gessureo at ang Maachateo ay tumahan sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito.
1 Samuel 5:8Sila'y nagsugo nga at nagpipisan ang lahat ng mga pangulo ng mga Filisteo sa kanila at sinabi, Ano ang ating gagawin sa kaban ng Dios ng Israel? At sila'y sumagot, Dalhin sa Gath ang kaban ng Dios ng Israel. At kanilang dinala roon ang kaban ng Dios ng Israel.
1 Samuel 6:4Nang magkagayo'y kanilang sinabi, Ano ang handog dahil sa pagkakasala na aming igaganti sa kaniya? At kanilang sinabi, Limang gintong bukol, at limang gintong daga ayon sa bilang ng mga pangulo ng mga Filisteo; sapagka't iisang salot ang napasa inyong lahat, at napasa inyong mga pangulo.
1 Chronicles 13:5Sa gayo'y pinisan ni David ang buong Israel, mula sa Sihor, na batis ng Egipto hanggang sa pasukan sa Hamath, upang dalhin ang kaban ng Dios mula sa Chiriath-jearim.