Joshua 19:1
At ang ikalawang kapalaran ay napasa Simeon, sa lipi ng mga anak ng Simeon ayon sa kanilang mga angkan: at ang kanilang mana ay nasa gitna ng mana ng mga anak ni Juda.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
2At kanilang tinamo na pinakamana ang Beerseba, o Seba, at Molada;
Cross References
Genesis 49:5Si Simeon at si Levi ay magkapatid; Mga almas na marahas ang kanilang mga tabak.
Joshua 15:21At ang mga kaduluduluhang bayan ng lipi ng mga anak ni Juda sa dako ng hangganan ng Edom sa timugan ay Cabseel, at Eder, at Jagur,
Joshua 19:9Mula sa bahagi ng mga anak ni Juda ang mana ng mga anak ni Simeon: sapagka't ang bahagi ng mga anak ni Juda ay totoong marami sa ganang kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng mana sa gitna ng kanilang mana.
Ezekiel 48:24At sa tabi ng hangganan ng Benjamin, mula sa dakong silanganan hanggang sa dakong kalunuran, ang Simeon, isang bahagi.