Joshua 2:10
Sapagka't aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Mapula sa harap ninyo, nang kayo'y lumabas sa Egipto; at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako roon ng Jordan, kay Sehon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 14:21At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa at ang tubig ay nahawi.
Numbers 21:21At ang Israel ay nagutos ng mga sugo kay Sehon, na hari ng mga Amorrheo, na sinasabi,
Deuteronomy 2:30Nguni't ayaw tayong paraanin ni Sehon na hari sa Hesbon sa lupa niya; sapagka't pinapagmatigas ng Panginoon mong Dios ang kaniyang diwa, at pinapagmatigas ang kaniyang puso, upang maibigay siya sa iyong kamay gaya sa araw na ito.
Joshua 9:10At lahat ng kaniyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nasa dako roon ng Jordan, kay Sehon na hari sa Hesbon, at kay Og, na hari sa Basan, na nasa Astaroth.