Joshua 21:4
At ang kapalarang ukol sa mga angkan ng mga Coathita ay lumabas; at ang mga anak ni Aaron na saserdote, na kabilang sa mga Levita, ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ni Juda, at sa lipi ng mga Simeonita, at sa lipi ni Benjamin, ng labing tatlong bayan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 6:16At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Levi ayon sa kanilang lahi; si Gerson, at si Coath, at si Merari; at ang mga naging taon ng buhay ni Levi ay isang daan at tatlong pu't pitong taon.
Joshua 21:8At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng sapalaran ang mga bayang ito pati ng mga nayon nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
Joshua 24:33At namatay si Eleazar na anak ni Aaron; at inilibing nila siya sa burol ni Phinees na kaniyang anak na nabigay sa kaniya sa lupaing maburol ng Ephraim.
1 Chronicles 6:54Ang mga ito nga ang kanilang mga tahanang dako ayon sa kanilang mga kampamento sa kanilang mga hangganan; sa mga anak ni Aaron, na sa mga angkan ng mga Coathita, (sapagka't sa kanila ang unang palad.)