Joshua 5:9
At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay inalis ko sa inyo ang pagdusta ng Egipto. Kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Gilgal hanggang sa araw na ito.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 24:14Dalhin mo ang mapaglait sa labas ng kampamento; at ang lahat ng nakarinig sa kaniya ay magpatong ng kanilang mga kamay sa kaniyang ulo, at pagbatuhanan siya ng buong kapisanan.
Joshua 24:14Ngayon nga ay matakot kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa pagtatapat at sa katotohanan: at inyong alisin ang mga dios na mga pinaglingkuran ng inyong mga magulang sa dako roon ng Ilog at sa Egipto; at inyong paglingkuran ang Panginoon.
1 Samuel 14:6At sinabi ni Jonathan sa bataan na tagadala ng kaniyang sandata: Halika at tayo ay dumaan sa pulutong ng mga hindi tuling ito: marahil ang Panginoon ay tutulong sa atin: sapagka't hindi maliwag sa Panginoon na magligtas sa pamamagitan ng marami o ng kaunti.
1 Samuel 17:36Pinapatay ng iyong lingkod ang leon at gayon din ang oso: at ang Filisteong ito na hindi tuli ay magiging isa sa kanila, yamang kaniyang hinahamon ang mga hukbo ng Dios na buhay.
Psalms 119:39Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
Ezekiel 20:7At sinabi ko sa kanila, Itakuwil ng bawa't isa sa inyo ang mga bagay na kasuklamsuklam sa kaniyang mga mata, at huwag kayong mangahawa sa mga diosdiosan ng Egipto; ako ang Panginoon ninyong Dios.