Joshua 6:18
At kayo, sa anomang paraan ay magsipagingat sa itinalagang bagay; baka pagka naitalaga na sa inyo ay kumuha kayo sa itinalagang bagay; sa gayo'y inyong ipasusumpa ang kampamento ng Israel, at inyong babagabagin.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 7:26At huwag kang magpapasok ng karumaldumal sa iyong bahay, at baka ikaw ay maging itinalaga na gaya niyaon: iyong lubos na kapopootan at iyong lubos na kasusuklaman, sapagka't itinalagang bagay.
Deuteronomy 23:10Kung magkaroon sa iyo ng sinomang lalake, na hindi malinis dahil sa anomang nangyari sa kaniya ng kinagabihan, ay lalabas nga sa kampamento, hindi siya papasok sa kampamento:
Joshua 7:11Ang Israel ay nagkasala; oo, kanilang sinalangsang din ang aking tipan na aking iniutos sa kanila; oo, sila'y kumuha rin sa itinalagang bagay, at nagnakaw rin, at nagbulaan din; at sila'y naglagay rin sa kanilang sariling daladalahan.
Joshua 7:15At mangyayari, na ang makunan ng itinalagang bagay ay susunugin sa apoy, siya at ang lahat niyang tinatangkilik: sapagka't kaniyang sinalangsang ang tipan ng Panginoon, at sapagka't siya'y gumawa ng kaululan sa Israel.
Joshua 22:18Upang kayo'y humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon? at mangyayari na sapagka't kayo'y nanghihimagsik ngayon laban sa Panginoon ay magiinit siya bukas sa buong kapisanan ng Israel.
1 Samuel 15:9Nguni't pinanghinayangan ni Saul at ng bayan si Agag, at ang pinakamabuti sa mga tupa, sa mga baka, at sa mga pinataba, at sa mga kordero, at lahat ng mabuti, at yaong mga hindi nila lubos na nilipol: nguni't bawa't bagay na hamak at walang kabuluhan, ay kanilang lubos na nilipol.