The Bible Software
bible.software › Joshua › Joshua 6 › Joshua 6:25

Joshua 6:25

Nguni't si Rahab na patutot at ang sangbahayan ng kaniyang ama, at ang lahat niyang tinatangkilik, ay iniligtas na buhay ni Josue; at siya'y tumahan sa gitna ng Israel, hanggang sa araw na ito; sapagka't kaniyang ikinubli ang mga sugo na sinugo ni Josue upang tumiktik sa Jerico.

Philippine Bible Society (1905)

In The King James Version

And Joshua saved Rahab the harlot alive, and her father’s household, and all that she had; and she dwelleth in Israel even unto this day; because she hid the messengers, which Joshua sent to spy out Jericho.

In Context

24At kanilang sinunog ng apoy ang bayan, at lahat na nandoon: ang pilak lamang, at ang ginto, at ang mga sisidlang tanso at bakal, ang kanilang ipinasok sa silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon.

26At binilinan sila ni Josue sa pamamagitan ng sumpa nang panahong yaon, na sinasabi, Sumpain ang lalake sa harap ng Panginoon, na magbangon at magtayo nitong bayan ng Jerico; kaniyang inilagay ang tatagang-baon niyaon sa kamatayan ng kaniyang panganay, at kaniyang itatayo ang mga pintuang-bayan niyaon sa kamatayan ng kaniyang bunso.

Read all of Joshua 6

Cross References

Joshua 2:1At si Josue na anak ni Nun ay nagsugong lihim mula sa Sittim ng dalawang lalake na pinakatiktik, na sinasabi, Yumaon kayo na inyong kilalanin ang lupain, at ang Jerico. At sila'y yumaon at pumasok sa isang bahay ng isang patutot na ang pangalan ay Rahab, at nakituloy doon.

Joshua 2:6Nguni't kaniyang isinampa sila sa bubungan, at ikinubli sa mga puno ng lino, na kaniyang inilagay na maayos sa bubungan.

Joshua 4:9At si Josue ay nagpabunton ng labing dalawang bato sa gitna ng Jordan, sa dakong tinayuan ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan: at nangandoon, hanggang sa araw na ito.

Judges 1:24At nakita ng mga bakay ang isang lalake na lumalabas sa bayan at kanilang sinabi sa kaniya, Ituro mo sa amin, isinasamo namin sa iyo ang pasukan sa bayan at kahahabagan ka namin.

Matthew 1:5At naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz; at naging anak ni Booz kay Rut si Obed; at naging anak ni Obed si Jesse.

Hebrews 11:31Sa pananampalataya'y hindi napahamak na kasama ng mga manunuway, ang patutot na si Rahab, na tumanggap na payapa sa mga tiktik.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Portuguesa MundialLuther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)新标点和合本성경 (한국어)الكتاب المقدس باللغة العربية، فان دايكBibbia Diodati (Italiano)Kinh Thánh (Tiếng Việt)Biblia Cornilescu (Română)Polish Biblia Gdanska (1881)Statenvertaling (Nederlands)

Study Joshua 6:25

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Joshua 6:24Joshua 6Joshua 6:26 →