Joshua 9:4
Ay gumawa naman silang may katusuhan at yumaon at nagpakunwaring sila'y mga sugo, at nagpasan ng mga lumang bayong sa kanilang mga asno at mga sisidlang balat ng alak na luma, at punit at tinahi;
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
3Nguni't nang mabalitaan ng mga taga Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Hai,
Cross References
Genesis 34:13At nagsisagot na may pagdaraya ang mga anak ni Jacob kay Sichem at kay Hamor na kaniyang ama, at sila'y nagsalitaan, sapagka't kaniyang dinahas si Dina na kanilang kapatid.
1 Kings 20:31At sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, Narito, ngayon, aming narinig na ang mga hari sa sangbahayan ng Israel ay maawaing mga hari: isinasamo namin sa iyo na kami ay papagbigkisin ng magaspang na kayo sa aming mga balakang, at mga lubid sa aming mga leeg at labasin namin ang hari ng Israel: marahil, kaniyang ililigtas ang iyong buhay.
Matthew 9:17Hindi rin nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma: sa ibang paraan ay nangagpuputok ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat: kundi isinisilid ang bagong alak sa mga bagong balat, at kapuwa nagsisitagal.
Mark 2:22At walang taong nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma; sa ibang paraan ay pinupunit ng alak ang mga balat at nabububo ang alak at nasisira ang mga balat: kundi ang alak na bago ay isinisilid sa mga bagong balat.
Luke 16:8At pinuri ng kaniyang panginoon ang lilong katiwala, sapagka't siya'y gumawang may katalinuhan: sapagka't ang mga anak ng sanglibutang ito, sa kanilang sariling lahi, ay matatalino kay sa mga anak ng ilaw.