Mga Hukom 4:14
At sinabi ni Debora kay Barac, Tumindig ka; sapagka't ito ang araw na ibinigay ng Panginoon si Sisara sa iyong kamay: hindi ba lumabas ang Panginoon sa harap mo? Sa gayo'y lumusong si Barac mula sa bundok ng Tabor, at sangpung libong lalake ang kasunod niya.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 19:14At si Lot ay lumabas, at pinagsabihan niya ang kaniyang mga manugang na nagasawa sa kaniyang mga anak na babae, at sinabi, Magtindig kayo, magsialis kayo sa dakong ito; sapagka't gugunawin ng Panginoon ang bayan. Datapuwa't ang akala ng kaniyang mga manugang ay nagbibiro siya.
Deuteronomy 9:3Talastasin mo nga sa araw na ito, na ang Panginoon mong Dios ay siyang mangunguna sa iyo na parang mamumugnaw na apoy; kaniyang lilipulin sila, at kaniyang payuyukurin sila sa harap mo; sa gayo'y iyong mapalalayas sila, at iyong malilipol silang madali, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon.
Joshua 10:8At sinabi ng Panginoon kay Josue, Huwag mo silang katakutan: sapagka't aking ibinigay sila sa iyong mga kamay; walang lalake roon sa kanila na tatayo sa harap mo.
Judges 19:28At sinabi niya sa kaniya, Bumangon ka, at tayo na; nguni't walang sumagot: nang magkagayo'y kaniyang isinakay sa asno; at ang lalake ay bumangon, at napasa kaniyang dako.
2 Samuel 5:24At mangyayari, pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay magmamadali: sapagka't lumabas na ang Panginoon sa harap mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo.
Psalms 68:8Ang lupa ay nayanig, ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios: ang Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios, ng Dios ng Israel.