Mga Panaghoy 1:16
Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha; sapagka't ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin: ang mga anak ko ay napahamak, sapagka't nanaig ang kaaway.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 106:42Pinighati naman sila ng kanilang mga kaaway, at sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
Ecclesiastes 4:1Nang magkagayo'y pumihit ako, at aking nakita ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw: at, narito, ang mga luha ng mga yaon, na napipighati, at wala silang mangaaliw: at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan, nguni't wala silang mangaaliw.
Jeremiah 9:1Oh kung ang aking ulo lamang ay maging tubig, at ang aking mga mata ay bukalan ng mga luha, upang ako'y makaiyak araw at gabi dahil sa pagkamatay ng anak na babae ng aking bayan!
Jeremiah 9:21Sapagka't ang kamatayan ay sumampa sa loob ng ating mga dungawan, ito'y pumasok sa ating mga palacio; upang ihiwalay ang mga anak sa labas, at ang mga binata sa mga lansangan.
Jeremiah 14:17At iyong sasabihin ang salitang ito sa kanila, Daluyan ang aking mga mata ng mga luha gabi at araw, at huwag maglikat; sapagka't ang anak na dalaga ng aking bayan ay nasira ng malaking pagkasira, na may totoong mabigat na sugat.
Lamentations 1:2Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.