Levitico 12:2
Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang babae ay maglihi, at manganak ng isang lalake, ay magiging karumaldumal na pitong araw; ayon sa mga araw ng karumihan ng kaniyang sakit, ay magiging karumaldumal.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
1At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
3At sa ikawalong araw ay tutuliin ang bata sa laman ng kaniyang balat ng masama.
Cross References
Genesis 1:28At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.
Leviticus 5:3O kung siya'y nakahipo ng karumaldumal ng tao, maging anomang karumaldumal niyaon na ikinapaging karumaldumal niya, at nalihim sa kaniya; pagka nalaman niya ay magiging makasalanan nga siya:
Leviticus 15:19At kung ang babae ay agasan na ang umaagas sa kaniyang laman ay dugo, ay mapapasa kaniyang karumihan siyang pitong araw: at lahat ng humipo sa kaniya ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
Job 14:4Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala.
Job 25:4Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.
Luke 2:22At nang maganap na ang mga araw na kanilang paglilinis alinsunod sa kautusan ni Moises, ay kanilang dinala siya sa Jerusalem, upang iharap siya sa Panginoon