Levitico 18:30
Kaya ingatan ninyo ang aking bilin, na huwag kayong gumawa ng alin man sa mga karumaldumal na kaugaliang ito na kanilang ginawa ng una bago kayo, at huwag kayong magpakarumal sa mga iyan: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 18:26Inyo ngang iingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga kahatulan, at huwag kayong gagawa ng anoman sa mga karumaldumal na ito; maging ang mga tubo sa lupain o ang mga taga ibang bayan man na nakikipamayan sa inyo:
Leviticus 22:9Iingatan nga nila ang aking bilin, baka sila'y magkasala sa paraang iyan, at kanilang ikamatay, kung kanilang lapastanganin: ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
Deuteronomy 12:30Ay magingat ka na huwag masilong sumunod sa kanila, pagkatapos na sila'y malipol sa harap mo; at huwag kang magusisa ng tungkol sa kanilang mga dios, na magsabi, Paanong naglilingkod ang mga bansang ito sa kanilang mga dios? na gayon din ang gagawin ko.
Deuteronomy 18:9Pagpasok mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay huwag kang magaaral gumawa ng ayon sa mga karumaldumal ng mga bansang yaon.
1 Kings 14:24At nagkaroon din naman ng mga sodomita ang lupain: sila'y nagsigawa ng ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ng Israel.
Ezra 9:1Nang magawa nga ang mga bagay na ito, ang mga prinsipe ay nagsilapit sa akin, na nangagsasabi: Ang bayan ng Israel, at ang mga saserdote, at ang mga Levita, ay hindi nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain, na nagsisigawa ng ayon sa kanilang mga karumaldumal, sa makatuwid baga'y ang mga Cananeo, ang mga Hetheo, ang mga Pherezeo, ang mga Jebuseo, ang mga Ammonita, ang mga Moabita, ang mga taga Egipto, at ang mga Amorrheo.