Levitico 2:1
At pagka ang sinoman ay maghahandog sa Panginoon ng alay na handog na harina, ay mainam na harina ang kaniyang iaalay; at kaniyang bubuhusan ng langis, at lalagyan ng kamangyan:
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 2:4At pagka ikaw ay maghahandog ng alay na handog na harina na luto sa hurno, ay mga munting tinapay na walang lebadura ang iaalay mo na mainam na harina, na hinaluan ng langis, o mga manipis na tinapay na walang lebadura, na hinaluan ng langis.
Leviticus 5:11Datapuwa't kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng dalawang batobato, o ng dalawang inakay ng kalapati, ay magdadala nga siya ng ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, na pinakahandog dahil sa kasalanan niya; hindi niya lalagyan ng langis ni bubuhusan man niya ng kamangyan; sapagka't handog dahil sa kasalanan.
Leviticus 6:14At ito ang kautusan tungkol sa handog na harina: ihahandog ng mga anak ni Aaron sa harap ng Panginoon, sa harap ng dambana.
Leviticus 7:10At bawa't handog na harina na hinaluan ng langis o tuyo, ay mapapasa lahat ng anak ni Aaron; sa isa na gaya sa iba.
Leviticus 9:17At iniharap niya ang handog na harina, at kumuha ng isang dakot, at sinunog sa ibabaw ng dambana, bukod sa handog na susunugin sa umaga.
Leviticus 24:7At maglalagay ka sa bawa't hanay ng dalisay na kamangyan, upang ito'y maging paalaala na tinapay, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.