Levitico 20:14
At kung ang isang lalake ay magasawa sa isang babae at sa kaniyang ina, ay kasamaan; susunugin sa apoy kapuwa siya at sila; upang huwag magkaroon ng kasamaan sa inyo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 18:17Ang kahubaran ng isang babae at ng kaniyang anak na babae ay huwag mong ililitaw; huwag mong pakikisamahan ang anak na babae ng kaniyang anak na lalake o ang anak na babae ng kaniyang anak na babae, upang ilitaw ang kaniyang kahubaran; sila'y kamaganak na malapit: kasamaan nga.
Deuteronomy 27:23Sumpain yaong sumiping sa kaniyang biyanan. At ang buong bayan ay magsasabi, Siya nawa.
Joshua 7:25At sinabi ni Josue, Bakit mo kami binagabag? babagabagin ka sa araw na ito ng Panginoon. At binato siya ng mga bato ng buong Israel; at sinunog nila sila sa apoy, at binato sila ng mga bato.