Levitico 23:3
Anim na araw na gagawa: datapuwa't sa ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, siyang banal na pagpupulong; anomang gawa ay huwag ninyong gagawin: isang sabbath sa Panginoon sa lahat ng inyong tahanan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 16:23At kaniyang sinabi sa kanila, Ito ang sinalita ng Panginoon, Bukas ay takdang kapahingahan, banal na sabbath sa Panginoon: ihawin ninyo ang inyong iihawin, at lutuin ninyo ang inyong lulutuin; at lahat na lalabis ay itago ninyo sa ganang inyo, na inyong itira hanggang sa kinabukasan.
Exodus 16:30Kaya ang bayan ay nagpahinga sa ikapitong araw.
Exodus 23:12Anim na araw, na iyong gagawin ang iyong gawain, at sa ikapitong araw, ay magpapahinga ka: upang ang iyong baka at ang iyong asno ay makapagpahinga; at ang anak na lalake ng iyong aliping babae, at ang taga ibang lupa ay makapagpahinga.
Exodus 34:21Anim na araw na gagawa ka, nguni't sa ikapitong araw ay magpapahinga ka: sa panahon ng pagbubukid at sa pagaani ay magpapahinga ka.
Leviticus 19:3Matatakot ang bawa't isa sa inyo, sa kaniyang ina at sa kaniyang ama, at ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Isaiah 56:2Mapalad ang taong gumagawa nito, at ang anak ng tao na nanghahawak dito; na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin, at nagiingat ng kaniyang kamay sa paggawa ng anomang kasamaan.