Levitico 25:35
At kung maghirap ang iyong kapatid at manglupaypay sa iyong siping, ay iyo siyang aalalayan na patutuluyin mo, na manunuluyan sa iyong parang taga ibang bayan at nakikipamayan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:9At ang taga ibang lupa ay huwag mong pipighatiin sapagka't talastas ninyo ang puso ng taga ibang lupa, yamang kayo'y naging mga taga ibang lupa, sa lupain ng Egipto.
Leviticus 25:25Kung ang iyong kapatid ay maghirap, at ipagbili ang anoman sa kaniyang pag-aari, ay paroroon ang kaniyang kamaganak na pinakamalapit sa kaniya, at tutubusin ang ipinagbili ng kaniyang kapatid.
Deuteronomy 15:7Kung magkaroon sa iyo ng isang dukha, na isa sa iyong mga kapatid, na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan sa iyong lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso, ni pagtitikuman ng iyong kamay ang iyong dukhang kapatid:
Deuteronomy 24:14Huwag mong pipighatiin ang isang nagpapaupang dukha at salat, maging siya'y sa iyong mga kapatid, o sa mga iyong taga ibang bayan na nangasa iyong bayan sa loob ng iyong mga pintuang-daan:
Job 31:16Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa, o pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao:
Psalms 41:1Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan.