Levitico 26:33
At kayo'y aking pangangalatin sa mga bansa, at pagbubunutan ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo: at ang inyong lupain ay magiging isang ilang, at ang inyong mga bayan ay magiging sira.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
32At gagawin kong ilang ang lupain: at pagtatakhan ng inyong mga kaaway na tumatahan doon.
Cross References
Deuteronomy 4:27At pangangalatin kayo ng Panginoon sa mga bayan, at kayo'y malalabing kaunti sa bilang sa gitna ng mga bansa, na pagdadalhan sa inyo ng Panginoon.
1 Kings 8:46Kung sila'y magkasala laban sa iyo, (sapagka't walang tao na di nagkakasala,) at ikaw ay magalit sa kanila, at ibigay mo sila sa kaaway, na anopa't sila'y dalhing bihag sa lupain ng kaaway sa malayo o sa malapit;
Nehemiah 1:3At sinabi nila sa akin, Ang nalabi na naiwan sa pagkabihag doon sa lalawigan, ay nasa malaking kapighatian at kakutyaan: ang kuta naman sa Jerusalem ay nabagsak, at ang mga pintuang-bayan ay nangasunog sa apoy.
Psalms 44:11Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain; at pinangalat mo kami sa mga bansa.
Psalms 106:27At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa, at pangalatin sila sa mga lupain.
Jeremiah 4:7Ang isang leon ay sumampa mula sa kaniyang kagubatan, at ang manglilipol ng mga bansa; siya'y nasa kaniyang paglalakad, siya'y lumabas mula sa kaniyang dako, upang sirain ang iyong lupain, upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na walang mananahan.