The Bible Software
bible.software › Levitico › Levitico 26 › Levitico 26:44

Levitico 26:44

At sa lahat mang ito, pagka sila'y nasa lupain ng kanilang mga kaaway ay hindi ko sila itatakuwil, ni kapopootan ko sila na sila'y aking lubos na lilipulin, at aking sisirain ang aking tipan sa kanila: sapagka't ako ang Panginoon nilang Dios:

Philippine Bible Society (1905)

In The King James Version

And yet for all that, when they be in the land of their enemies, I will not cast them away, neither will I abhor them, to destroy them utterly, and to break my covenant with them: for I am the LORD their God.

In Context

43Ang lupain naman ay pababayaan nila, at magagalak sa kaniyang mga sabbath, samantalang nahahandusay na sira na wala sila; at kanilang tatanggapin ang kaparusahan ng kanilang kasamaan: sapagka't kanilang tinanggihan ang aking mga hatol, at kinapootan ng kanilang kaluluwa ang aking mga palatuntunan.

45Kundi aalalahanin ko alangalang sa kanila ang tipan ng kanilang mga magulang, na aking inilabas sa lupain ng Egipto, sa paningin ng mga bansa, upang ako'y maging kanilang Dios: ako ang Panginoon.

Read all of Levitico 26

Cross References

Deuteronomy 4:29Nguni't mula roon ay iyong hahanapin ang Panginoon mong Dios, at iyong masusumpungan, kung iyong hahanapin siya ng buo mong puso at ng buo mong kaluluwa.

Nehemiah 9:17At nagsitanggi na magsisunod, ni hindi man inalaala ang iyong mga kababalaghan na iyong ginawa sa gitna nila, kundi nagpatigas ng kanilang leeg, at sa kanilang panghihimagsik ay naghalal ng isang punong kawal upang magsibalik sa kanilang pagkabihag. Nguni't ikaw ay Dios na madaling magpatawad, mapagbiyaya at puspos ng kaawaan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kahabagan, at hindi mo pinabayaan sila.

Psalms 89:33Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.

Psalms 103:13Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.

Jeremiah 24:5Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Kung paano ang mga mabuting igos na ito, gayon ko kikilalanin ang mga bihag ng Juda, na aking pinayaon mula sa dakong ito na patungo sa lupain ng mga Caldeo, sa ikabubuti.

Jeremiah 31:20Ang Ephraim baga'y aking minamahal na anak? siya baga'y iniibig na anak? sapagka't kung gaano kadalas nagsasalita ako laban sa kaniya, ay gayon ko inaalaala siya ng di kawasa: kaya't nananabik ang aking puso sa kaniya; ako'y tunay na maaawa sa kaniya, sabi ng Panginoon.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Portuguesa MundialLuther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)新标点和合本성경 (한국어)الكتاب المقدس باللغة العربية، فان دايكBibbia Diodati (Italiano)Kinh Thánh (Tiếng Việt)Biblia Cornilescu (Română)Polish Biblia Gdanska (1881)Statenvertaling (Nederlands)

Study Levitico 26:44

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Levitico 26:43Levitico 26Levitico 26:45 →