Levitico 27:8
Nguni't kung kapos ng ikababayad sa iyong inihalaga, ay pahaharapin mo siya sa harap ng saserdote, at hahalagahan siya ng saserdote; ayon sa ikakakaya ng may panata, ay siyang ihahalaga sa kaniya ng saserdote.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 5:7At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng isang kordero, ay magdadala nga siya sa Panginoon, na pinakahandog niya sa pagkakasala, dahil sa ipinagkasala niya, ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati: ang isa'y pinakahandog dahil sa kasalanan at ang isa'y pinakahandog na susunugin.
Leviticus 12:8At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng kordero, ay kukuha nga siya ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati; ang isa'y pinakahandog na susunugin at ang isa'y pinakahandog dahil sa kasalanan: at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y magiging malinis.
2 Kings 7:5At sila'y nagsitindig pagtatakip silim, upang magsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria: at nang sila'y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento ng mga taga Siria, narito, walang tao roon.
Mark 14:7Sapagka't laging nasa inyo ang mga dukha, at kung kailan man ibigin ninyo ay mangyayaring magawan ninyo sila ng magaling: datapuwa't ako'y hindi laging nasa inyo.
2 Corinthians 8:12Sapagka't kung may sikap, ay tinatanggap ayon sa tinataglay, hindi ayon sa di tinataglay.