Levitico 4:12
Sa makatuwid baga'y ang buong toro ay ilalabas niya sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis, na pinagtatapunan ng mga abo, at doon susunugin sa apoy sa ibabaw ng kahoy: sa pinagtatapunan ng mga abo susunugin yaon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
11At ang balat ng toro at ang buong laman pati ng ulo at ng mga hita, at ng lamang loob, at ng dumi,
Cross References
Leviticus 6:4Ay mangyayari nga, na kung siya'y nagkasala at naging salarin, na isasauli niya ang ninakaw, o ang nakuha sa pagpighati, o ang habiling inihabilin sa kaniya, o ang bagay na nawala sa kaniyang nasumpungan,
Leviticus 6:11At maghuhubad siya ng kaniyang mga suot, at magbibihis ng ibang mga kasuutan, at ilalabas ang mga abo sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis.
Leviticus 8:17Datapuwa't ang toro, at ang balat, at ang laman, at ang dumi, ay sinunog niya sa apoy sa labas ng kampamento; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Leviticus 16:27At ang toro na handog dahil sa kasalanan at ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na ang dugo ay dinala sa loob ng dakong banal upang itubos, ay ilalabas, sa kampamento; at susunugin nila sa apoy ang mga balat ng mga yaon, at ang laman at ang dumi.
Numbers 15:35At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang lalake ay walang pagsalang papatayin; babatuhin siya ng buong kapisanan sa labas ng kampamento.
Numbers 19:5At susunugin ng isa sa paningin niya ang guyang bakang babae; ang balat niyaon at ang laman niyaon, at ang dugo niyaon, sangpu ng dumi niyaon, ay susunugin niya: