Lucas 1:70
(Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon),
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
As he spake by the mouth of his holy prophets, which have been since the world began:
In Context
69At nagtaas sa atin ng isang sungay ng kaligtasan Sa bahay ni David na kaniyang alipin
71Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
Cross References
Genesis 12:3At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.
2 Samuel 23:2Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila.
Jeremiah 30:10Kaya't huwag kang masindak, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.
Mark 12:36Si David din ang nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, Hanggang sa gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa.
Luke 24:44At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.
Acts 28:25At nang sila'y hindi mangagkaisa, ay nangagsialis pagkasabi ni Pablo ng isang salita, Mabuti ang pagkasalita ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng propeta Isaias sa inyong mga magulang,