Lucas 11:36
Kaya nga, kung ang buong katawan mo ay puspos ng liwanag, na walang anomang bahaging madilim, ito'y lubos na mapupuspos ng liwanag, na gaya ng pagliliwanag sa iyo ng ilawang may liwanag na maningning.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
35Masdan mo nga kung ang ilaw na nasa iyo ay baka kadiliman.
Cross References
Psalms 119:97Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.
Proverbs 2:1Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin mo ang aking mga utos;
Proverbs 6:23Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:
Isaiah 8:20Sa kautusan at sa patotoo! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila.
Hosea 6:3At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa.
Matthew 13:52At sinabi niya sa kanila, Kaya't ang bawa't eskriba na ginagawang alagad sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong puno ng sangbahayan, na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma.