Lucas 6:22
Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 65:5Na nagsasabi, Humiwalay ka, huwag kang lumapit sa akin, sapagka't ako'y lalong banal kay sa iyo. Ang mga ito ay usok sa aking ilong, apoy na nagliliyab buong araw.
Matthew 5:10Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
Matthew 10:22At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.
Mark 13:9Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili: sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin; at kayo'y hahampasin sa mga sinagoga; at kayo'y magsisitindig sa harap ng mga gobernador at ng mga hari dahil sa akin, na bilang patotoo sa kanila.
Luke 21:17At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan.
John 9:22Ang mga bagay na ito'y sinabi ng kaniyang mga magulang, sapagka't nangatatakot sa mga Judio: sapagka't pinagkaisahan na ng mga Judio, na kung ang sinomang tao'y ipahayag siya na siya ang Cristo, ay palayasin siya sa sinagoga.