Marcos 10:37
At sinabi nila sa kaniya, Ipagkaloob mo sa amin na mangakaupo kami, ang isa'y sa iyong kanan, at ang isa'y sa iyong kaliwa, sa iyong kaluwalhatian.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
36At sinabi niya sa kanila, Ano ang ibig ninyong sa inyo'y aking gawin?
Cross References
1 Kings 22:19At sinabi ni Micheas, Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon: Aking nakita ang Panginoon na nakaupo sa kaniyang luklukan, at ang buong hukbo ng langit ay nakatayo sa siping niya sa kaniyang kanan at sa kaniyang kaliwa.
Psalms 110:1Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
Matthew 25:31Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian:
Mark 16:19Ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na sila'y mangakausap niya, ay tinanggap sa itaas ng langit, at lumuklok sa kanan ng Dios.
1 Peter 1:11Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.