Marcos 15:29
At siya'y inalipusta ng nagsisipagdaan na pinatatangotango ang kanilang mga ulo, at sinasabi, Ah! ikaw na iginigiba mo ang templo, at sa tatlong araw ay iyong itinatayo,
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
28At natupad ang kasulatan, na nagsasabi: At siya'y ibinilang sa mga suwail.
30Iyong iligtas ang sarili mo, at bumaba ka sa krus.
Cross References
Genesis 37:19At nagsangusapan, Narito, dumarating itong mapanaginipin.
Psalms 22:12Niligid ako ng maraming toro; mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin.
Psalms 69:7Sapagka't dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.
Psalms 69:26Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan, at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.
Lamentations 1:12Wala bagang anoman sa inyo, sa inyong lahat na nagsisipagdaan? Inyong masdan, at inyong tingnan kung may anomang kapanglawan na gaya ng aking kapanglawan, na nagawa sa akin, na idinalamhati sa akin ng Panginoon sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit.
Matthew 26:61At nangagsabi, Sinabi ng taong ito, Maigigiba ko ang templo ng Dios, at muling itatayo ko sa tatlong araw.