Mateo 1:11
At naging anak ni Josias si Jeconias at ang kaniyang mga kapatid, nang panahon ng pagkadalang-bihag sa Babilonia.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
And Josias begat Jechonias and his brethren, about the time they were carried away to Babylon:
In Context
Cross References
2 Kings 25:11At ang nalabi na mga tao na naiwan sa bayan, at yaong nagsihiwalay, na nagsihilig sa hari sa Babilonia, at ang labi sa karamihan, ay dinalang bihag ni Nabuzaradan na punong kawal ng bantay.
2 Chronicles 36:1Nang magkagayo'y kinuha ng bayan ng lupain si Joachaz na anak ni Josias, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama sa Jerusalem.
2 Chronicles 36:20At ang mga nakatanan sa tabak, dinala niya sa Babilonia; at mga naging alipin niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa paghahari ng kaharian ng Persia:
Jeremiah 27:20Na hindi kinuha ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, nang kaniyang dalhing bihag si Jechonias na anak ni Joacim na hari sa Juda, mula sa Jerusalem hanggang sa Babilonia, at ang lahat ng mahal na tao ng Juda at ng Jerusalem;
Jeremiah 52:11At kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias; at ginapos siya ng tanikalang tanso ng hari sa Babilonia, at dinala siya sa Babilonia, at inilagay siya sa bilangguan hanggang sa araw ng kaniyang pagkamatay.
Daniel 1:2At ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay si Joacim na hari sa Juda, sangpu ng bahagi ng mga kasangkapan ng bahay ng Dios; at ang mga yao'y dinala niya sa lupain ng Sinar sa bahay ng kaniyang dios: at ipinasok niya ang mga kasangkapan sa silid ng kayamanan ng kaniyang dios.