Mateo 5:9
Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Dios.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
Blessed are the peacemakers: for they shall be called the children of God.
In Context
8Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.
10Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.
Cross References
1 Chronicles 12:17At si David ay lumabas na sinalubong sila, at sumagot at nagsabi sa kanila, Kung kayo'y nagsisiparitong payapa sa akin upang tulungan ako, ang aking puso ay malalakip sa inyo: nguni't kung upang pagliluhan ako sa aking mga kaaway, dangang walang kasamaan sa aking mga kamay, masdan ng Dios ng ating mga magulang, at sawayin.
Psalms 82:6Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan.
Psalms 122:6Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
Matthew 5:48Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.
Luke 20:36Sapagka't hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka't kahalintulad na sila ng mga anghel; at sila'y mga anak ng Dios, palibhasa'y mga anak ng pagkabuhay na maguli.
Romans 8:14Sapagka't ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios.