Mikas 4:1
Nguni't sa mga huling araw ay mangyayari, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at matataas sa mga burol; at mga tao'y paroroon sa kaniya.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 49:10Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa, Hanggang sa ang Shiloh ay dumating; At sa kaniya tatalima ang mga bansa.
Psalms 68:15Bundok ng Dios ay ang bundok ng Basan; mataas na bundok ang bundok ng Basan.
Psalms 72:7Sa kaniyang mga kaarawan ay giginhawa ang mga matuwid; at saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan.
Psalms 86:9Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon; at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
Isaiah 2:1Ang salita na naalaman ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem.
Isaiah 11:9Hindi sila magsisipanakit o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok: sapagka't ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.