Mikas 6:16
Sapagka't naiingatan ang mga palatuntunan ni Omri, at ang lahat na gawa ng sangbahayan ni Achab, at kayo'y nagsisilakad ng ayon sa kanilang mga payo; upang gawin kitang kasiraan, at ang mga mananahan niya'y kasutsutan: at inyong dadalhin ang kakutyaan ng aking bayan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 9:8At bagaman ang bahay na ito ay totoong mataas, gayon ma'y ang bawa't magdaan sa kaniya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa bahay na ito?
1 Kings 18:4Sapagka't nangyari, nang ihiwalay ni Jezabel ang mga propeta ng Panginoon, na kumuha si Abdias ng isang daang propeta, at ikinubli na limalimangpu sa isang yungib, at pinakain sila ng tinapay at tubig,)
2 Kings 16:3Kundi siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, oo, at kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon mula sa harap ng mga anak ni Israel.
2 Chronicles 22:4At siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab: sapagka't sila ang naging kaniyang taga-payo pagkamatay ng kaniyang ama, sa ikapapahamak niya.
2 Chronicles 34:25Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at nagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, upang mungkahiin nila ako sa galit ng lahat na gawa ng kanilang mga kamay; kaya't ang aking pagiinit ay nabugso sa dakong ito, at hindi mapapawi.
Psalms 44:13Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa, isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin.