Nehemias 3:14
At ang pintuang-bayan ng tapunan ng dumi ay hinusay ni Malchias na anak ni Rechab, na pinuno ng distrito ng Beth-haccerem; kaniyang itinayo, at inilagay ang mga pinto niyaon, ang mga trangka niyaon, at ang mga halang niyaon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 2:13At ako'y lumabas ng kinagabihan sa pintuang-bayan ng libis, sa makatuwid baga'y sa dako ng balon ng dragon, at sa pintuang-bayan ng tapunan ng dumi, at minasdan ko ang mga kuta ng Jerusalem, na nangabagsak, at ang mga pintuang-bayan na sinupok ng apoy.
Nehemiah 3:12At sumunod sa kaniya ay hinusay ni Sallum na anak ni Lohes, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem, niya at ng kaniyang mga anak na babae.
Nehemiah 12:31Nang magkagayo'y isinampa ko ang mga prinsipe sa Juda sa ibabaw ng kuta, at akin silang pinapagdalawang malaking pulutong na nangagpasalamat at nagsiyaong sunodsunod; na ang isa'y lumalakad sa kanan sa ibabaw ng kuta sa dako ng pintuang-bayan ng tapunan ng dumi;