Nehemias 3:5
At sumunod sa kanila ay hinusay ng mga Tecoita; nguni't hindi inilagay ng kanilang mga mahal na tao ang kanilang mga leeg sa gawain ng kanilang Panginoon.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 5:23Sumpain ninyo si Meroz, sabi ng anghel ng Panginoon, Sumpain ninyo ng kapaitpaitan ang mga tagaroon sa kaniya; Sapagka't sila'y hindi naparoon na tumulong sa Panginoon, Na tumulong sa Panginoon, laban sa mga makapangyarihan.
2 Chronicles 11:6Kaniyang itinayo nga ang Bethlehem, at ang Etham, at ang Tecoa,
Jeremiah 5:4Nang magkagayo'y sinabi ko, Tunay na ang mga ito ay dukha; sila'y mga hangal; sapagka't hindi sila nangakakaalam ng daan ng Panginoon, o ng kahatulan ng kaniyang Dios.
Jeremiah 27:2Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Gumawa ka para sa iyo ng mga panali at mga pamatok, at ilagay mo sa iyong batok,
Jeremiah 27:12At ako'y nagsalita kay Sedechias na hari sa Juda ayon sa lahat ng mga salitang ito na aking sinabi, Inyong iyukod ang inyong ulo sa pamatok ng hari sa Babilonia, at mangaglilingkod kayo sa kaniya at sa kaniyang bayan, at kayo'y mangabuhay:
Amos 1:1Ang mga salita ni Amos, na nasa gitna ng mga pastor sa Tecoa, na nakita niya tungkol sa Israel, nang mga kaarawan ni Uzzia na hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel, na dalawang taon bago lumindol.