Nehemias 8:12
At ang buong bayan ay yumaon ng kanilang lakad na nagsikain at nagsiinom at nangagpadala ng mga bahagi, at nangagsayang mainam sapagka't kanilang nabatid ang mga salita na ipinahayag sa kanila.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 8:7Si Jesua naman, at si Bani, at si Serebias, at si Jamin, si Accub, si Sabethai, si Odias, si Maasias, si Celita, si Azarias, si Jozabed, si Hanan, si Pelaia, at ang mga Levita, ay nangagpakilala sa bayan ng kautusan; at ang bayan ay nakatayo sa kanilang dako.
Psalms 19:8Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata.
Psalms 119:16Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
Psalms 119:97Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.
Psalms 119:111Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.
Psalms 119:130Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.