Mga Bilang 1:50
Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tabernakulo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y hahantong sa palibot ng tabernakulo.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:26Ay tumayo nga si Moises sa pintuang-daan ng kampamento, at nagsabi, Sinomang sa Panginoon ang kiling ay lumapit sa akin. At lahat ng mga anak ni Levi ay nagpipisan sa kaniya.
Numbers 1:53Datapuwa't ang mga Levita ay magsisitayo sa palibot ng tabernakulo ng patotoo, upang huwag magtaglay ng galit sa kapisanan ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay mamahala ng tabernakulo ng patotoo.
Numbers 3:1At ito ang mga lahi ni Aaron at ni Moises, nang araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai.
Numbers 3:23Ang mga angkan ng mga Gersonita ay hahantong sa likuran ng tabernakulo sa dakong kalunuran.
Numbers 4:15At pagka si Aaron at ang kaniyang mga anak ay nakatapos na makapagtakip sa santuario at sa buong kasangkapan ng santuario, kailan ma't isusulong ang kampamento: ay magsisilapit pagkatapos ang mga anak ni Koath upang kanilang buhatin yaon: datapuwa't huwag silang hihipo sa santuario, baka sila'y mamatay. Ang mga bagay na ito ay siyang pasanin ng mga anak ni Coath sa tabernakulo ng kapisanan.
Numbers 8:19At aking ibinigay ang mga Levita na pinaka kaloob kay Aaron at sa kaniyang mga anak mula sa gitna ng mga anak ni Israel upang gawin nila ang paglilingkod sa mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, at upang magsigawa ng pangtubos sa mga anak ni Israel, upang huwag magkaroon ng salot sa gitna ng mga anak ni Israel, pagka ang mga anak ni Israel, ay lumalapit sa santuario.